Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kumikilos na ang administrasyon upang tugunan ang mga problema ng lupain sa bansa, partikular ang soil degradation, o kawalan ng sustansya ng mga lupang taniman.
“We are conducting a soil and land resources mapping and evaluation process that includes soil-based and land-based level assessments, soil sample analyses and digital map preparations under the Philippine Soil Land Resources Information program.” —Pangulong Marcos Jr.
Sa kauna-unahang National Soil Health Summit, sinabi ng pangulo na ang mga hakbang na ito ang titiyak sa tamang paggamit at pag-manage ng soil resources ng bansa.
Tutugon rin ito sa usapin sa land degradation, magpapaigting sa crop productivity, na magpapalakas naman sa kita ng mga magsasaka.
“The Administration shall empower the Bureau of Soil and Water Management to achieve these goals, especially through capacitating soil laboratories across the country to yield better data. We are conducting a soil and land resources mapping and evaluation process that includes soil-based and land-based level assessments, soil sample analyses and digital map preparations under the Philippine Soil Land Resources Information program.” — Pangulong Marcos Jr.
Umaasa naman ang pangulo na ang summit na ito ay magre-resulta sa mga rekomendasyon at inobasyon na tutugon sa mga problema ng lupain sa bansa.
Base sa ulat ng DENR, 75% ng total cropland ng bansa ang vulnerable sa erosion, habang 457 million tons ng lupa ang nawawala sa sektor ng agrikultura kada taon.
Batid ng Marcos Administration na ang pagpapabaya sa kondisyon ng lupang-taniman ay makakaapekto sa food security, kabuhayan, at well-being ng bansa.
Ito ang dahilan kung bakit pinatututukan ng pangulo sa DA, DENR, at DOST, ang pagtugon sa soil degradation, pagtiyak sa food security at mas maayos na nutrisyon sa bansa.
Kaugnay nito, nanawagan rin ang pangulo sa pinaigting na kolaborasyon sa iba’t ibang stakeholders, upang maiwasan ang posibleng krisis na kaharapin ng bansa, dahil sa soil degradation. | ulat ni Racquel Bayan
📷: PCO