Dumating na kaninang hapon sa lalawigan ng Albay ang 50 metriko toneladang food items na donasyon ng United Arab Emirates (UAE) government.
Ayon sa Department of Social Welfare and Developement (DSWD),pagdating ng food items ay agad itinurnover ito sa Provincial Government.
Nagpasalamat naman ang provincial government kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa UAE Government, Department of the Interior and Local Government (DILG) , DSWD at iba pang ahensiya ng pamahalaan dahil sa hatid na tulong.
Agad namang ire-repack ang donated food items at ipamamahagi sa lahat ng pamilyang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.| ulat ni Rey Ferrer