57 na pamilya mula Ligao City sa Albay, nabigyang ng ayuda sa tulong ng DSWD at Office of the Speaker

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki ang pasasalamat ni Albay 3rd District Representative Fernando Cabredo sa pagtugon ng DSWD at ng tanggapan ng House Speaker sa apela nitong tulong para sa mga residente sa kaniyang distrito na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Nasa 57 na pamilyang lumikas mula Brgy. Baligang, Ligao City ang nabahagian ng tulong pinansyal sa ilalim ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD na pinondohan ng Office of the Speaker.

Ang mga pamilyang ito ay pawang nakatira sa 6-kilometer permanent danger zone.

Tig-₱5,000 na cash assistance ang natanggap ng bawat pamilya na magagamit nilang pantustos habang nasa evacuation centers.

Maliban pa ito sa nauna nang ₱500,000 na halaga ng relief packs na ipinadala ng Speaker’s Office at Tingog party-list sa tatlong distrito ng Albay.

Ayon kay Cabredo, mahalaga ang maagap na pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga kababayan lalo at apektado rin ng increased volcanic activity ng bulkan ang kanilang kabuhayan.

Sunod na aabutan ng naturang tulong ang mga pamilya sa munisipalidad ng Guinobatan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us