6.3 Magnitude na lindol sa Batangas kahapon, minor damage lang ang nilikha — OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang naitalang “major damage” ang Office of Civil Defense (OCD) sa nangyaring magnitude 6.3 na lindol sa Batangas kahapon.

Ito ang iniulat ni Civil Defense Deputy Administrator for Operations at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Raffy Alejandro IV, base sa mga report na kanilang tinanggap sa kanilang regional offices.

Ayon kay Alejandro, mga “minor damage” o mga maliit na pinsala lang ang kanilang naitala, katulad ng mga bitak sa mga imprastraktura.

Ikinatuwa din ng opisyal na walang iniulat na nasawi o nasaktan sa pagyanig, na naramdaman din sa iba’t ibang intensity sa ilang mga karatig lalawigan at Metro Manila.

Muli namang pinaalalahan ng OCD ang mga mamamayan na palaging maging handa sa pagtama ng “The Big One” sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa regular na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us