61 hired-on-the-spot sa Kalayaan Job Fair sa SM City Iloilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

As of 3:25 p.m., umabot na sa 61 ang mga aplikanteng hired-on-the-spot (HOTs) sa nagpapatuloy na Kalayaan Job Fair sa SM City Iloilo.

Ayon sa PESO Iloilo City, nasa 1,103 na mga Ilonggos ang nagbabakasakali na makahanap ng trabaho ang lumahok sa job fair at 794 sa kanila ay kwalipikado. Samantala, 409 naman ay sasailalim pa sa dagdag na interview.

Iginiit ni Gabriel Felix Umadhay, PESO Iloilo City Manager, na walang mga labor issues at overworked issues ang 51 mga kompanya na lumahok sa Kalayaan Job Fair ng lungsod.

Sa 51 na kompanya, 39 ay mga local companies na nakabase sa lungsod at 12 naman ay mga BPO companies. | ulat ni Emme Santiagudo | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us