Malaking bilang ng mga bilangguan sa bansa na pinatatakbo ng BJMP ang siksikan pa rin at hindi nakakasunod sa UN standards ayon yan sa report ng Commission on Audit.
Ayon sa COA, aabot sa 323 o 67% ng jail facilities ang congested na may katumbas na 2,739% occupancy rates.
As of Dec 31, aabot rin sa 127,031 ang
total jail population sa bansa, malayo sa ideal capacity na dapat ay 46,702 lamang.
Ayon sa COA, nagresulta ito sa hindi magandang kondisyon ng Persons Deprived of Liberty (PDL).
Bukod dito, iniulat ng COA na nasa 89% ng mga PDL ang patuloy na nililitis ang kaso o kaya naman ay naghihintay ng desisyon ng korte.
May mga detainee rin ang kuwalipikado para sa provisional liberty pero hindi makalaya dahil walang pambayad ng piyansa.
Kaugnay nito, nagrekomenda ang COA sa BJMP ang isama sa kanilang budget request ang pagpapalawak ng jail facilities at makipag-ugnayan rin sa mga LGU para sa posibleng ‘lot donations’ para makapagpatayo ng mas maraming bilangguan. | ulat ni Merry Ann Bastasa