๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nasa 68 na mga renewable energy project na may potensyal na makapag-generate ng 14,245 megawatts (MW) ang sinusulong sa Western Visayas, ayon sa Department of Energy (DOE).
Sa ginanap na Investment Forum on Renewable Energy noong Miyerkules, June 28, inihayag ni Engr. Gaspar Ecobar Jr., division chief ng DOE ang mga renewable energy projects na sinusulong sa rehiyon.
Kabilang rito ay hydropower energy, geothermal energy, onshore wind energy, offshore wind energy, solar energy, at biomass energy.
Ayon kay DOE Usec. Rowena Cristina Guevara, ang Region 6 ang isa sa mga aktibong rehiyon sa bansa na nagsusulong ng mga renewable energy projects alinsunod sa National Renewable Energy Program (NREP) ng bansa na naglalayong makamit ang 35% share ng renewable energy sa power generation sector sa taong 2030.
Sa kasalukayan, nasa 29 na mga renewable energy projects na ang napapatupad sa Western Visayas.
Samantala, suportado naman ng Regional Development Council Western Visayas (RDC 6) ang pasulong ng renewable energy projects sa rehiyon.
Umaasa si Bacolod City at RDC 6 Chairperson Mayor Albee Benitez na malaki ang maitutulong ng pagsulong ng renewable energy sa pagresolba sa problema ng climate change, pagbaba ng presyo ng kuryente, at pagpapalago ng ekonomiya ng Western Visayas. | via Emme Santiagudo| RP1 Iloilo