7 miyembro ng BIFF, na-nutralisa ng AFP at PNP sa Maguindanao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namatay ang pitong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction sa pakikipaglaban sa pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Maguindanao del Sur.

Ayon kay Joint Task Force Central Commander Maj. Gen. Alex Rillera, nangyari ang engkwentro nang magtangka ang mga tropa na magsibli ng search warrant kay Nasser Yussef Hussain, a.k.a. Tutin Usop at Nurjihad Husain, a.k.a. Datdat Usop, sa Barangay Damawato, Datu Paglas kahapon ng madaling araw.

Nang papalapit ang mga tropa, unang nagpaputok ang mga suspek kasama ang hindi mabatid na bilang ng BIFF na nagresulta sa palitan ng putok.

Dito’y nasawi ang pitong miyembro ng BIFF kasama ang dalawang suspek, habang sugatan naman ang isang pulis na agad isinugod sa ospital sa Tacurong City.

Narekober ng mga tropa sa encounter site ang isang Uzi sub-machinegun, dalawang M16 rifles, tatlong cal .45 pistols, at samu’t saring bala.

Binati naman ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Roy Galido ang mga tropa ng Joint Task Force Central sa matagumpay na operasyon, at sinabing patuloy na makikipagtulungan ang AFP sa PNP laban sa terorismo at kriminalidad sa kanilang area of operations. | ulat ni Leo Sarne

📸: WESTMINCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us