7 rehiyon sa bansa, apektado pa rin ng ASF — BAI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroon pa ring pitong rehiyon sa bansa ang kasalukuyang apektado ng African Swine Fever (ASF) ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI).

Sa datos ng BAI, as of June 14, ay 118 na brgy mula 12 probinsya sa buong bansa ang mayroong aktibong kaso ng ASF.

Ayon kay Dr. Samuel Castro, Deputy Program Coordinator of National ASF Prevention and Control Program, karamihan sa mga lugar na may bagong kaso ng ASF ay mula sa Visayas region kabilang na ang Negros Occidental.

Sinabi nitong kasama pa rin sa nagiging dahilan ng pagkalat ng ASF ay ang swill feeding o ang pagpapakain ng kaning baboy.

Sa ngayon, tuloy-tuloy naman na aniya ang pagsisikap ng pamahalaan at pakikipagugnayan sa mga LGU para sa pagpapatupad ng mga programa para labanan ang ASF.

Sa kabila rin ng isyu ng ASF, tiniyak ng DA na may sapat namang suplay ng karneng baboy sa bansa.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us