Ibinida ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino ang 78 porsyentong approval rating sa March Pulse Asia Survey para sa restorasyon ng Reserve Officer Training Corps (ROTC) Program.
Sa Fellowship dinner kagabi kasama ang mga cadet officer ng University of the Philippines (UP) Diliman sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Gen. Centino na ang pag-apruba ng malaking porsyento ng mga Pilipino sa ROTC program ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagsasanay militar ng mga mamamayan.
Ayon kay Centino, ang mismong mamamayan na ang naglalagay ng kanilang tiwala sa militar para hubugin ang kinabukasan ng bansa.
Nanawagan naman si Gen. Centino sa UP Diliman ROTC Training staff, cadet officers, at mga opisyal ng UP Vanguard sa pangunguna ni national commander, Luis Juan Oreta, na patuloy na palakasin ang ROTC program upang makalikha ng bagong henerasyon ng mga lider para sa isang mas matatag, mas disiplinado, at mas nagkakaisang bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷: PFC Carmelotes/PAO, AFP