785 senior citizens, nakatanggap ng birthday cash incentives na tig-P2,000 sa General Santos City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 785 senior citizens na nagdiwang ng kanilang kaarawan sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso ngayong taon ang nakatanggap ng birthday incentives na tig-P2,000. 

Ito ay kanilang tinanggap sa SM City General Santos Trade Hall.

Pinangunahan ni City Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao ang pamamahagi kamakailan ng cash incentives para sa mga nakatatanda.

Alinsunod ito sa Ordinance No. 44, Series of 2021 ng General Santos City, at programa ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA).

Ang distribusyon ng cash incentives ay naipatupad sa pamamagitan ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) na pinanguluhan ni Genelene Vidanes. | ulat ni Nitz Escarpe | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us