9 na pamilya apektado habang 1 ang namatay sa sunog sa Brgy. Emie Punud sa Marawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluyang tinupok ng apoy ang siyam na kabahayan sa Area 6A temporary shelter sa Brgy. Emie Punud, Lungsod ng Marawi kung saan ang mga residente ay kabilang sa mga internally displaced persons ng Marawi Siege 2017.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection ng Lanao del Sur, umabot sa kalahating milyon ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Itinaas sa ikalawang alarma ang nasabing insidente at mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga nasabing pabahay.

Idineklara itong fire out alas-5:02 ng hapon, June 10, 2023 kung saan namatay ang isang matandang lalaki dulot ng suffocation habang may tatlo namang sugatan at agad na nabigyan ng first aid ng Marawi City Disaster Risk and Reduction Management Office.

Samantala, wala pang resulta ng imbestigasyon hinggil sa pinagmulan ng apoy. | ulat Johaniah Yusoph | RP1 Marawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us