9 na Pulis sa Northern Mindanao, inilagay sa restrictive custody matapos masawi ang kasamahang Pulis sa Bukidnon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinailalim na sa restrictive custody ng Police Regional Office 10 ang 9 nilang tauhan upang imbestigahan kaugnay sa pagkasawi ng isang miyembro ng Regional Mobile Force Battalion na nakabase sa Bukidnon.

Ayon kay PRO-10 o Northern Mindanao Regional Police Office Spokesperson, P/Maj. Joan Navarro, nabatid na ang 9 na Pulis ang huling nakasama ni Pat. Jeffrey Dabuco bago ito matagpuang patay noong Lunes

Nabatid na sugatan at lumulutang ang bangkay ni Dabuco nang matagpuan ito sa Maradugao river sa bayan ng Wao, Lanao del Sur.

Sa ulat na ipinabatid ni Navarro sa Kampo Crame, unang idineklarang nawawala si Dabuco noong Huwebes ng nakalipas na linggo, Hunyo 23.

Dahil sa tinamong sugat sa ulo ng 31 anyos na Pulis, tinitingnan na ngayon kung mayroong foul play sa pagkamatay nito.

Isinasailalim na ngayon sa otopsiya ang labi ni Dabuco na huling nakita sa kaniyang quarters sa kanilang Patrol Base na nasa Sitio Ticub, Brgy. Pamotolon sa bayan ng Kalilangan| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us