90 araw na relief assistance sa Mayon evacuees, pinasisiguro ni Pangulong Marcos. Ginagawang tugon ng national at local government sa sitwasyon sa Albay, satisfactory, ayon sa pangulo.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng gabinete na mapaaabutan ng angkop at sapat na assistance ang mga nagsilikas, dahil sa paga-alboroto ng Bulkang Mayon.

Sa situation briefing sa Albay, inilatag sa pangulo ang mga scenario, kung saan lumalabas na maaaring umabot sa dalawa hanggang tatlong buwan ang pananatili sa evacuation centers ng mga nagsilikas, kung lalala pa ang aktibidad ng bulkan.

Dahil dito, sinabi ng pangulo na dapat nang pumasok ang national government at huwag nang hintayin na maubos pa ang pondo ng mga lokal na pamahalaan.

Kailangan aniyang mayroon nang naka-stand by na ayuda na sasapat para sa 90 araw.

“Let us be prepared to take as much of the load as soon as possible off of the local government units para naman mayroon silang – malay natin magkabagyo pa, may mangyari pa, para mayroon silang reserba pa. Hindi natin uubusin ‘yung kanilang quick response fund, number one,” —Pangulong Marcos.

Samatala, pinatututukan rin ng pangulo ang mga bata sa evacuation centers na kung maaari ay makapagdaos ng klase o iba pamg aktibidad upang hindi mabagot at hindi magkasakit ang mga bata.

Habang pinasisiguro rin ng pangulo ang mahigpit na pagbabantay sa mga inilikas na hayop o poultry at livestock, upang makaiwas sa pagkalat ng anomang sakit, tulad ng Avian Flu at African Swine Fever.

Sa kabuuan, kuntento si Pangulong Marcos, sa ginawa at ginagawang tugon ng national at local government.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us