96 na pulis ng PRO-MIMAROPA, sumailalim sa Community Immersion Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Police Regional MIMAROPA Regional Director Police Brig. Gen. Joel Doria ang send-off ceremony sa Camp BGen. Efigenio C. Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro ngayong umaga, para sa 96 na pulis na sasailalim sa community immersion program (CIP).

Ayon kay BGen. Doria, ang 90 araw na community immersion program ay para magkaroon ang mga pulis ng mas malawak na pang-unawa sa sitwasyon sa mga komunidad na ugat ng insurhensya sa bansa.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni BGen. Doria ang mga pulis na isadiwa ang kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mga komunidad, at samantalahin ang pagkakataon para makuha ang tiwala at pakikiisa ng mga mamayan sa pamahalaan.

Ang 96 na pulis sa CIP ay ide-deploy sa mga liblib at mararalitang barangay sa Oriental at Occidental Mindoro.

Kasabay ng send-off ceremony, ang turn-over ceremony para sa 1,500 food pack sa Naujan Municipal Police Station (MPS), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Oriental Mindoro Provincial Police Office (PPO); at 1st PMFC ng Occidental Mindoro PPO, para ipamahagi sa mga biktima ng oil spill at iba pang mga nangangailangan sa dalawang lalawigan. | ulat ni Leo Sarne

đŸ“·: PRO MIMAROPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us