Adoption Omnibus Guidelines, inilunsad ng NACC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang inilunsad ng National Authority for Child Care (NACC) ang Omnibus Guidelines para sa pagpapatupad ng Domestic Administrative Adoption, Intercountry Adoption, at Alternative Child Care.

Sinabi ni NACC Undersec. Janella Ejercito Estrada, ang omnibus guidelines ay para sa Republic Act# 11642 o mas kilala bilang Domestic Administrative Adoption Act.

Pinapalakas nito ang nasabing batas at mga programa ng pamahalaan sa alternative child care sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na panuntunan sa implementasyon ng domestic at intercountry adoption at iba pang alternatibong paraan ng pangangalaga sa bata.

Gamit ang Omnibus Guidelines, pagsisikapan ng NACC na maging wasto, malinaw at napapanahon ang pagpapatupad ng mandato nito sa paghahatid ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us