AFP at French Armed Forces, palalakasin ang ugnayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines Inspector General Lt. Gen William N. Gonzales PA, ang pagbisita kahapon ng Joint Commander in the Asia-Pacific Zone of the French Armed Forces in French Polynesia, RAdm. Geoffroy D’ Andigné.

Kasama ni RAdm. Andigné na bumisita sa Camp Aguinaldo si French Ambassador to the Philippines, Her Excellency Michèle Boccoz.

Sa pakikipagpulong ni Lt. Gen. Gonzales sa mga French official, tinalakay ang pagpapalakas ng kooperasyong pandepensa sa pagitan ng Pilipinas at Pransya, at tulong ng Pransya sa modernisasyon ng AFP.

Nagpasalamat si Lt. Gen. Gonzales sa Pransya sa kanilang partisipasyon sa mga ehersisyo militar sa Pilipinas.

Inihayag din ni Lt. Gen. Gonzales ang intensyon ng AFP na magsagawa sa hinaharap ng “information-sharing” at “engagements on maritime domain awareness” sa mga kaalyadong bansa tulad ng Pransya, na sinuportahan ni RAdm. D’Andine. | ulat ni Le Sarne

📷: Sgt Ambay/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us