AFP, nakatanggap ng 25 ektaryang lupain sa Calayan Island mula sa LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagkalooban ng Local Government Unit (LGU) ng Calayan, Cagayan ng 25 ektaryang lupain ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pagsuporta sa mandato ng militar na itaguyod ang pambansang seguridad.

Si Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca ang kumatawan kay AFP Chief of Staff General Andres Centino sa pagtanggap ng donasyon mula kay Calayan Mayor Joseph Llopis.

Nagpasalamat si Lt. Gen. Buca sa donasyon at sinabing ang pinalawak na presensya ng AFP sa Calayan Island ay hindi lang makakatulong sa maritime security, at environmental protection, kundi makaka-ambag din sa lokal na ekonomiya.

Mas mapapabilis din aniya ang pagresponde ng AFP sa mga natural na kalamidad sa rehiyon dahil sa kanilang itatayong base sa donasyong lupain.

Una na ring nakatanggap ng donasyon na limang ektaryang lupain ang Philippine Navy sa lugar noong nakaraang taon, na nakatulong sa archipelagic coastal defense ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us