AFP, nakiisa sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagiging ‘insurgency-free’ ng Davao del Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagiging Insurgency Free ng Davao Del Norte.

Ang okasyon ay Ipinagdiwang ng Davao Del Norte Provincial Government sa pamamagitan ng programa sa Davao Del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City kahapon.

Dumalo sa aktibidad si Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kasama si Davao Del Norte Governor Honorable Edwin I Jubahib.

Binati ni Sen. Go ang pamahalaang panlalawigan ng Davao Del Norte at 10th Infantry Division ng Philippine Army sa pagwawakas ng insurhensya sa lalawigan, na magbubukas ng mga bagong oportunidad sa kaunlaran ng lugar.

Sinabi naman ni 10ID Commander Major General Jose Eriel M Niembra na naipakita ng lalawigan na possible ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagkakaisa.

Noong 2016, apat na Guerilla Fronts at dalawang NPA vertical units ang nag-o-operate sa Davao Del Norte, na nabuwag lahat noong 2022. | ulat ni Leo Sarne

📷: 10ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us