Agarang pag-apruba ng NEDA Board sa TPLEX Extension Project, pinuri ng DOF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng Department of Finance ang agarang pag-apruba ng NEDA Board sa TPLEX Extension Project upang pasiglahin ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon.

Sa ngayon, ang buong proseso ng evaluation at approval ng TPLEX Extension project ay ang pinakamabilis na pag-apruba sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP).

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, indikasyon lamang ito ng hangarin ng Marcos Jr. administration na putulin ang bureaucratic red tape at i-streamline ang government processes.

Anya, mahalaga ito upang mapabilis ang kinakailangang investments sa imprastruktura.

Matatandaan na isinumite ang TPLEX proposal sa Investments Coordination Committee o ICC nuong March 23 at saka inakyat sa NEDA Board noong June 02, 2023 kung saan ito inaprubahan.

Layon ng 23.4 billion pesos na proyekto na bawasan ang travel time mula Rosario hanggang San Juan ng 42 minuto na dati ay nasa higit isa’t kalahating oras, inaasahang ito ang magpapalago ng Ilocos Region at magdadala ng economic development.

Diin ni Diokno, nananatiling komited ang gobyerno na palakasin ang pagpapadali ng proseso ng PPP kung saan nangangailangan ng “well functioning and responsive policy framework” kaakibat ang pananagutan at transparency. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us