Agarang pagresolba sa kaso ni De Lima, inaapela ni Sen. Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapanawagan ni Senadora Risa Hontiveros ang agaran at malinaw na resolusyon tungkol sa kaso ni dating Senadora Leila de Lima.

Ito ay kasunod ng desisyon ng korte na ibasura ang apela ni De Lima para makapagpiyansa.

Giit ni Hontiveros, nakakadismaya ang patuloy na pagkakakulong ni De Lima.

Karapatan aniya ng dating mambabatas ang magkaroon ng mabilis na paglilitis gaya ng nakasaad sa ating Konstitusyon.

Pinahayag rin ng Deputy Minority leader na nakakabahala na patuloy na pinakikinggan ng korte ang mga pekeng testimonya ng mga drug lord kahit pa ang marami sa kanila ay binawi na ang kanilang akusasyon kay De Lima.

Muling apela ng senadora, dapat nang itigil pagkakait ng katarungan kay De Lima. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us