Agri-trade sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia, paiigtingin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Interesado ang bansang Malaysia na paigtingin pa ang agricultural cooperation nito sa Pilipinas.

Natalakay ito sa naging pagpupulong ni DA Senior Umdersecretary Domingo Panganiban kay newly-appointed Malaysia’s Ambassador to the Philippines, Amb. Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino bin Anthony.

Kapwa inihayag ng dalawang opisyal ang interes sa pagbuo ng mga joint ventures na maghihikayat sa mas malawak na trade at investment sa ibat ibang Filipino produce kabilang na ang meat products, halal products, high value fruits at vegetables.

Napagusapan din ang pagkakaroon ng koaborasyon sa research and knowledge sharing pagdating sa usapin ng fisheries, aquaculture, mariculture, at rubber industries.

Sa kanyang panig, sinabi naman ng Malaysian Ambasadpr na umaasa itong malalagdaan na rin ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pag-angat ng agricultural activity sa dalawang bansa sa nakatakdang state visit nito sa Malaysia ngayong taon.

Ang Malaysia ang siyang tumatayong hosts para sa 45th Meeting of the ASEAN Ministers on Agriculture and Forestry (AMAF).  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us