Matagumpay na idinaos ng Philippine Air Force (PAF) ang Air Force symposium 2023 sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel sa Newport City, Pasay City kahapon.
Ang tema ng taunang aktibidad na isa sa mga “pre-activities” sa pagdiriwang ng ika-76 na anibersaryo ng PAF ay “Strengthening Relations through Collaboration and Interoperability while Adapting to Current Trends to Confront Emerging and Future Threats.”
Pinangunahan ni Philippine Air Force Chief Lt. Gen. Stephen Parreño ang symposium kasama si Department of National Defense (DND) Assistant Secretary for Logistics, Acquisitions and Self- Reliant Defense Posture, Joselito Ramos, na kumatawan kay DND Secretary Gilbert Teodoro.
Tampok sa symposium ang presentasyon ng iba’t ibang defense exhibitors ng pinakabagong gamit pandigma na sinundan ng mga afternoon session kasama ang iba’t ibang lokal at dayuhang eksperto sa larangang pandepensa.
Kabilang sa mga naging tagapagsalita sina: Ret. Army General Emmanuel Bautista; Brig. Gen. Christopher Faurot ng Pacific Air Forces; Ambassador Elizabeth Buensuceso, ang Eminent Person of the Philippines to the High-Level Task Force on the Post-2025 ASEAN Community Vision; Ret. Senior Associate Justice Antonio Carpio; Air Commodore Nathan Christie ng Royal Australian Air Force; Brig. Gen. Bjorn Olof Hultgren ng Swedish Air Force; Mr. Ho Sun Yee, Managing Director, RT & Co. Strategic Processes, Inc.; at Dr. Michael Raska mula sa S. Rajaratnam School of International Studies. | ulat ni Leo Sarne
📸: PAF