Nakarating na sa Albay ang nasa 50 tons ng relief goods mula sa United Arab Emirates (UAE) na ipinagkaloob sa Pilipinas para sa mga kababayan nating naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Personal itong tinanggap ni Albay Governor Edcel Grex Lagman kasama si DSWD Regional Director Normal Laurio.
Ayon kay Albay Governor Edcel Grex Lagman, malaki ang maitutulong nito bilang pangdagdag na food assistance sa mga nasa evacuation center. | ulat ni AJ Ignacio