Pinasalamatan ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sina House Speaker Martin Romualdez at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa tulong na ipinaabot para sa mga residente ng kaniyang distrito na lumikas dahil sa Bulkang Mayon.
Ani Lagman malaking bagay ang maagap na pagtugon ng mga kasamahan sa serbisyo publiko para sa mga apektadong pamilya.
Kung matatandaan naghanda ang Office of the House Speaker ng ₱500,000 na halaga ng relief packs at ₱500,000 na financial aid sa tatlong distrito ng Albay.
Habang ang DSWD ay nakapagpamigay na ng halos 50,000 food packs para sa mga evacuees na tatagal ng labinlimang araw.
“I thank Speaker Martin Romualdez and DSWD Secretary Rex Gatchalian for ensuring the timely assistance to evacuees and other affected families in the wake of Mayon’s volcanic outbursts. The people of the First District of Albay join me in expressing our deep appreciation for their prompt and generous assistance in our time of need,” ani Lagman.
Sa kabila naman ng kahandaan, umaasa ang kongresista na hindi na matuloy pa ang pagsabog ng bulkan upang mabawasan ang banta at pagkasira ng ari-arian, kabuhayan, at agricultural crops. | ulat ni Kathleen Jean Forbes