Umapela si Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa pamahalaan ng patuloy na suporta sa pagtugon sa epekto ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Lalo na aniya at ngayon ay umabot na ng hanggang 2.5 kilometers ang lava flow ng bulkan na siyang maximum length nito.
Aniya responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan na tiyaking ligtas ang kanilang mga residente ngunit kakailanganin aniya nila ang suporta ng pamahalaang nasyunal.
“LGUs who have evacuated their people have made the decision that early evacuation is necessary to protect the lives of their people. But they need help. That is why we have repeatedly expressed our gratitude to the national government for its steadfast support of evacuation efforts. The crucial ingredient to zero-casualty is sufficient resources. And so far, the national government has been extremely supportive,” saad ni Salceda.
Dahil naman sa tiyak na magtatagal pa ang aktibidad ng bulkan, ay asahan na ring tatagal ang Mayon evacuation.
Bunsod nito, maliban sa pagkain at economic assistance ay kailangan rin aniya nila ngayon sa Albay ang health, safety, educational, at psychosocial support para sa mga evacuees.
Kaya mangangailangan din aniya sila ng social at health workers.
“We definitely need provisions for more social workers, more health workers, and facilities to allow continued learning in evacuation centers. Evacuation should be minimally disruptive of the economic and social life of evacuees,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes