Nababahala si Albay 2nd District Representative Joey Salceda na posibleng lumala ang sitwasyon sa Albay dahil sa lahar flow.
Ang pangamba ng mambabatas ay kasunod na rin ng anunsyo ng PAGASA na mayroong tatlo hanggang apat na bagyo na posibleng tumama sa bansa sa Hulyo.
Punto ni Salceda kung magdala ang naturang mga bagyo ng pag-ulan sa kanilang lalawigan ay madaragdagan ang kailangang ilikas.
Maliban kasi sa mga residente sa danger zones ay kailangan din ilikas ang mga nakatira malapit sa lahar channels.
“In July, the average rainfall in Albay is 155.2mm, when the rest of the year, it is 112.53mm. Around 38% more rain. And, if the PAGASA projection takes place, we could see more. That compounds the risks Mayon poses. Although, we might not need to evacuate those near lahar channels but are outside the designated 6-, 7-, or 8-kilometer danger zones for long periods, we might need to bring them to safety when a storm is impending, or there is heavy rain,” paliwanag ni Salceda.
Dahil naman dito, mangangailangan aniya ang Albay ng dagdag na tulong.
“So, really what we are looking at is extended evacuation for those in danger zones, and intermittent evacuations for those in lahar channels during heavy rain. We will really need help. The lahar channel flows through densely populated areas in some Albay towns. The lesson to learn is early evacuation. But we know, of course, that takes up resources. If the current support the National Government has extended continues, we will be able to save lives and maintain zero-casualty. We respectfully request President Marcos’s continued support for Albay, and we thank him for the unwavering help he has already provided us,” dagdag ng kongresista.
Sa kasalukuyan tinatayang nasa 5,713 na pamilya na ang namamalagi sa mga evacuation center. | ulat ni Kathleen Jean Forbes