Alert Level 3, itinaas na sa Bulkang Mayon; evacuation sa 6km danger zone, inirekomenda na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inirekomenda na ngayon ng PHIVOLCS ang evacuation o pagpapalikas sa mga residente sa loob ng 6km radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa Bulkang Mayon.

Ito matapos na itaas na sa Alert Level 3 (increased tendency towards a hazardous eruption) ang estado ng Bulkan dahil sa patuloy na abnormal na aktibidad nito.

Ayon sa PHIVOLCS, tuloy-tuloy ang pagtaas ng bilang at volume ng rockfall events sa bulkan nitong mga nakalipas na araw.

Katunayan, mula 54 rockfall events mula June 1-4 ay umakyat sa 267 rockfall events ang naitala sa bulkan mula June 5-8.

Bukod dito, may na-monitor ding 2 volcanic earthquake sa Mayon Volcano.

“The volume of discrete rockfall events increased on 3 June based on the seismic record, signaling an increase in the rate of dome growth. Three (3) pyroclastic density current or PDC events on the Bonga (southeast) and Basud (east) Gullies were observed today at 6:18 AM, 9:53 AM and 11:00 AM.”

Ayon sa PHIVOLCS, batay sa kanilang overall monitoring parameters, may posibilidad na ang magmatic eruption sa bulkan sa loob ng ilang araw o linggo.

Malaki rin aniya ang tyansa ng lava flow at mapanganib na pyroclastic density current o PDC events pati na ang ash fall. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: PHIVOLCS

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us