Pinangunahan nina Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr. at Pampanga 1st District Representative Carmelo “Jon” Lazatin II ang selebrasyon ng ika-125 taon ng pagproklama sa kasarinlan ng Pilipinas.
Maulan man ang panahon ay nakibahagi ang mga lokal na opisyal ng Angeles City, Pampanga na ginanap sa Museo ng Kasaysyang Panlipunan.
Maliban sa ating mga bayani ay kinilala din ni Mayor Lazatin ang mga unsung heroes gaya na lamang ng mga healthcare workers na nagsilbi sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Malaking karangalan naman ani Rep. Lazatin na maging bahagi ng 125th anniversary ng Independence Day celebration ang kanilang lungsod dahil dito ginanap ang unang selebrasyon o paggnuita sa Independence Day.
Paalala naman ng kinatawan na ang kalayaan at pag-unlad ng Pilipinas ay hindi lamang naka-atang sa mga opisyal ng pamahalan, bagkus katuwang aniya dito ang taumbayan.
Kayat panawagan nito na huwag kalimutan ang kasaysayan at patuloy na pahalagahan ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno. | ulat ni Kathleen Jean Forbes