Sa ikalawang sunod na araw ay nadagdagan ng bahagya ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay umakyat sa 187.53 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.
Bukod sa Angat Dam, umakyat din ang antas ng tubig sa iba pang water reservoir sa Luzon kabilang ang La Mesa Dam, Ambuklao, Binga, San Roque, at Pantabangan Dam.
Samantala, hindi naman nakadagdag ang mga pag-ulan sa lebel ng tubig sa Ipo Dam na nabawasan ng tatlong sentimetro sa magdamag at ngayon ay nasa 99.44 meters na nananatiling mas mababa sa maintaining level na 101 meters. | ulat ni Merry Ann Bastasa