Patuloy pa ring natatapyasan ang lebel ng tubig sa ilang mga dam sa Luzon kabilang na ang Angat Dam.
Sa datos ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay bumaba pa sa 186.15 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Mas mababa ito ng 40 centimeters kumpara sa naitalang 186.55 meters water elevation kahapon.
Wala namang pagbabago sa imbak ng tubig sa Ipo Dam na nasa 99.05 meters ngayong araw, mas mababa pa rin sa maintaining level na 101 meters.
Nabawasan rin ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan, at Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa