Aplikasyon ng building permit sa QC, pinadali na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinadali na at pinabilis ang pag-aasikaso ng aplikasyon para sa building permit sa Quezon City.

Ito ay kasunod ng opisyal na pagbubukas sa publiko ng bagong receiving and releasing booths at drop-off terminals sa Department of the Building Official (DBO) Lobby sa Quezon City Hall.

Mayroong anim na Self-Service Drop Off Terminal ang nakatalaga rito para sa mas mabilis na transaksyon sa DBO.

Ayon sa QC LGU, layon nitong paigtingin pa ang QC Build Easy Online Permit Application System at mabawasan ang mahabang pila ng mga kliyente ng pamahalaang lungsod.

Target din nitong pagtibayin ang pagpapatupad ng digitalisasyon sa mga transakyon at maiwasan ang paglaganap ng fixers.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us