Matagumpay na nagtapos ang vaccination drive ng Philippine Army para sa mga sanggol, sa Army General Hospital (AGH), Fort Bonifacio ngayong Linggo.
Ang aktibidad na may temang “Chikiting Ligtas” ay sinimulan noong Mayo 25 at nagtapos kahapon.
Bahagi ito ng National Supplemental Immunization Program for 2023 ng Department of Health (DOH) para maiwasan ang outbreak ng mga “immunization-preventable disease”.
Dito’y binigyan ng oral polio vaccine ang mga sanggol na mula zero hanggang 59 na buwan.
Nakatanggap naman ng bakuna laban sa Rubella at Measles ang mga sanggol na 9 hanggang 59 na buwang gulang. | ulat ni Leo Sarne