Pormal nang binuksan ng Department of Foreign Affars (DFA) ang kanilang Consular Office sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Ayon sa DFA, binuksan ang kanilang Consular Office kaalinsabay ng ika-54 na Charter Anniversary ng lungsod.
Ayon kay DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus Domingo, itinuturing nilang strategic ang Consular Office sa Pagadian para maserbisyuhan ang kanilang mg kliyente.
Bukas ang Consular Office Pagadian mula Lunes hanggang Biyernes, alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Matatagpuan ang DFA Pagadian Consular Office sa ika-2 palapag ng C3 Mall, Rizal Avenue, Santiago District. | ulat ni Jaymark Dagala