Bagong tourism slogan na “Love the Philippines,” handang bigyan ng tiyansa ng isang senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda si Senadoar Chiz Escudero na bigyan ng pagkakataon ang bagong tourism slogan na inilunsad ng Department of Tourism (DOT) na “Love the Philippines”.

Sinabi ito ng senador, bagamat naniniwala siyang naging epektibo naman ang dating tourism campaign ng bansa na “It’s More Fun in the Philippines”.

Naniniwala ang senador, na kinonsidera naman ng DOT ang lahat ng kalidad ng mahusay na tourism slogan bago inilunsad ang bagong slogan ng bansa.

Ayaw na ring makibahagi ng mambabatas sa pagtatalo-talo tungkol sa bagong tourism slogan sa harap ng mga dayuhan o turista.

Una nang sinabi ni Escudero, na ang isang epektibong tourism slogan ay nakadepende sa maraming bagay kabilang na ang kakaibang inaalok, target audience at marketing strategy.

Kailangan rin aniyang catchy, madaling tandaan at maihahatid ang positibong mensahe ng lugar na pupuntahan ang isang slogan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us