Itinaas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa Camp Aguinaldo at sa lahat ng kampo militar sa buong bansa, simula ngayong araw hanggang sa Hunyo 18.
Ito ay bilang pagbibigay galang sa dating senador at AFP Chief of Staff Retired General Rodolfo Biazon, na pumanaw kahapon, Hunyo 12.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Enrico Gil Ileto, ang paglalagay sa bandila sa half-mast ay bahagi ng pagluluksa ng militar at paran ng pagbibigay-pugay sa yumaong dating sundalo.
Pagkakalooban din ng AFP ang yumaong senador ng funeral honors at necrological rites sa Camp Aguinaldo, hanggang sa kanyang paghimlay sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig. | ulat ni Leo Sarne