Batang Pinay, nakatanggap ng parangal sa Canada dahil sa pagtulong nito sa mga nangangailangan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinarangalan ang 13-taong gulang na Pilipina na si Jeanae Elisha Ventura bilang isa sa mga recipient ng 2023 Calgary Award para sa kategoryang Community Achievement Award for Youth.

Kinilala ng Lungsod ng Calgary sa Canada ang kanyang adbokasiya para sa pagkakaiba-iba at pagsasama sa ngalan ng mga batang babae at kabataang Pilipino sa lungsod.

Ilan sa mga nagawa ni Ventura ay tulad ng pagiging volunteer nito sa Alberta Children’s Hospital kung saan nakalikom siya ng 4,000 laruan mula 2019 hanggang 2022 at naipamahagi ang mga nalikom na laruan sa mga naka-admit na batang pasyente sa ospital.

Nag-organisa rin si Ventura ng programang “Gift of Hope” noong 2020 upang tulungan ang mga biktima ng Bagyong Ulysses sa Pilipinas, kung saan nakalikom siya ng $1,300 na ipinadala sa Pilipinas upang ipambili ng food packages at ibinahagi sa 250 pamilyang apektado ng bagyo.

Ang Calgary Awards ay binuo noong 1994 at iginagawad sa mga indibidwal, korporasyon, community groups, at organisasyon upang kilalanin ang kanilang mga natatanging nakamit at ambag bilang Calgarian.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us