Bawas presyo sa mga produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Energy o DOE na may nakaambang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon naman sa source ng Radyo Pilipinas mula sa Oil Industry Players, ₱0.80 hanggang ₱1.10 ang posibleng rollback sa kada litro ng diesel.

Habang ang gasolina, mayroon ding ₱0.60 hanggang ₱0.90 rollback gayundin sa kerosene.

Paliwanag naman ni Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, nagkaroon ng interest hike implantation ang United Kingdom at posibleng sumunod dito ang Amerika.

Bukod dito, may aasahan ding rollback sa presyo ng kada kilo naman ng Liquified Petroleum Gas o LPG simula bukas, Hulyo 1. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us