Benepisyo para sa ‘junior citizens,’ ipinapanukala sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang mambabatas ang naghain ng panukalang batas para bigyang benepisyo ang ‘junior citizens.’

Sa ilalim ng House Bill 92 ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at House Bill 8312 ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na tatawaging Junior Citizens Act, ang mga batang edad 0 to 12 years old na ang pamilya ay kumikita ng P250,000 kada taon ay ipinapanukalang bigyan ng health benefits at mga diskwento.

Kabilang dito ang 20% discount at VAT exemption sa gamot, bakuna, milk supplements para sa mga edad 4 hanggang 12, professional fee ng mga doktor mula pribadong ospital at health care facilities, professional fee ng mga homecare service providers, gayundin sa mga medical at dental services at laboratory sa pribadong pasilidad, at iba pang kahalintulad na serbisyo.

Magiging libre naman ang naturang health services kung ito ay sa pampublikong health facility.

May diskwento rin ang mga junior citizen sa admission fee sa sinehan at iba pang uri ng leisure at amusement, pati sa funeral at burial services sakaling ito ay pumanaw.

Para naman maging kwalipikado, ang magulang o guardian ay kailangan magsumite ng birth certificate ng junior citizen mula sa sa Philippine Statistics Authority at Income Tax Return, na nagpapakita na annual income ng pamilya ay hindi hihigit sa P250,000

Magkakaroon naman ng Junior Citizen ID at booklet na maaaring kunin sa barangay o LGU

Otomatiko ring mapapasailalim sa PhilHealth coverage ang junior citizens ano man ang halaga ng family income.

Bubuo ng isang national coordinating and monitoring board na mangunguna sa pagpapatupad ng panukala na pamumunuan ng Department of Health at Department of Social Welfare and Development. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us