Bentahan ng sibuyas sa Pasig Public Market, nananatili sa ₱180

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatili sa ₱180 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa Pasig Public Market

Ayon sa ilang nagtitinda, hindi pa rin bumaba ang presyo ng kuha nila ng sibuyas mula sa kanilang suppliers.

Ang presyo naman ng bawang ay nasa ₱135 hanggang ₱140, habang nasa ₱160 ang kada kilo ng luya.

Sampung piso naman ang kada tali ng malunggay at dahon ng sili.

Para naman sa papaya at sayote, ang presyo ay naglalaro sa ₱40 hanggang ₱60.

Ang isang kilo ng buong manok ay nasa ₱140 hanggang ₱160, habang kung choice cut naman ang presyo ay nasa ₱160 hanggang ₱180. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us