Unti-unti nang nakakabalik sa pre-pandemic levels ang bilang ng deployed seafarers.
Base sa tala ng Department of Migrant Workers, nasa 385,239 na mga Pilipinong marino ang nakapaglayag noong 2022.
Noong 2019, umabot ito sa 507,730 subalit bumaba sa 217,223 noong 2020 kung kailan unang kumalat ang COVID-19.
Umaasa si DMW Usec. Hans Leo Cacdac na makakatulong ang mga programa para sa pag-aalok ng trabaho gaya ng inilunsad na kauna-unahang Seafarers Job Fair para madagdagan pa ang bilang ng mga marino na ipinapadala.
Ayon naman kay Capt. Juanito Salvatierra Jr. Chairman ng Joint Ship Manning Group, nadagdagan ang bilang ng deployed seafarers dahil mas tumaas ang bilang ng mga naglalayag na cruise ship habang bumabawi ang industrya ng turismo. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.