Umabot na sa 148 na mga Local Government Units sa buong bansa ang nagpahayag ng suporta para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program ng pamahalaan
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development, pinakahuling local government unit (LGU) na nagpahayag ng suporta sa pabahay program ay ang mga munisipalidad ng Pamplona, Cagayan at Tagudin, Ilocos Sur.
Isang Memorandum of Understanding ang pinirmahan nina DHSUD Assistant Secretary Daryll Bryan Villanueva, Pamplona, Cagayan Mayor Digna Puzon-Antonio at Tagudin, Ilocos Sur Mayor Roque Verzosa Jr.
Sa pamamagitan nito, magtutulungan ang DHSUD at LGUs na magpatayo ng housing projects at para matugunan ang housing backlog sa bansa.
Kailangan ng DHSUD na makapagpatayo ng 1 milyong housing units kada taon hanggang 2028. | ulat ni Rey Ferrer