Bill refund sa kuryente ng isang distribution utility (DU) company, ikinatuwa ng consumers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang MORE Electric and Power Corporation sa inisyatibo nito na maibalik ang bill deposit ng kanilang mga customer.

Ayon kay ERC Commissioner Alexis Lumbatan, bihira sa mga DU ang kusang nagbabalik ng refund maliban na lamang kung hingin ng consumers.

Una rito, sinimulan na ng MORE Power sa Iloilo City ang pagbibigay ng refund sa bill deposit ng kanilang mga customer.

Ang bill deposit ay ang ibinabayad ng consumers kapag nag-apply ito ng kanilang electric meter, alinsunod sa Article 7 ng Magna Carta for Residential Electric Consumers. Ito ay kailangang ibalik ng distribution utilities makalipas ang tatlon taon o 36 buwan sa kondisyon na ang consumer ay nagbabayad sa oras at walang record ng disconnection.

Ayon sa ilang residente na nakatanggap na ng refund, malaking tulong ito sa kanilang pang dagdag sa gastusin sa araw-araw.

Ayon kay MORE Power President at CEO Roel Castro, ang kanilang kusang pagbabalik ng bill deposit ay sa hangarin na rin nila na maging ehemplo sa iba pang distribution utilities.

Hinikayat ni Castro ang kanilang consumers, na magbayad sa oras at huwag magkaroon ng disconnection o maputol ang kanilang kuryente upang maibalik agad sa kanila ang refund.

Nabatid na may P5 milyong pondo na inilaan ang More Power para sa nasabing refund ngayong taon. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us