Pinaalalahanan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang mga bagong Certified Public Accountant na iwasang masangkot sa paggamit ng Fake/Ghost Receipts sa pagganap ng kanilang propesyon.
Ang apela ay ginawa ni Lumagui sa kanyang pagharap sa mga pumasa sa May 2023 Licensure examination.
Matatandaang nagsampa ng tax evasion case ang komisyuner sa Department of Justice laban sa CPA na sangkot sa sindikato ng Fake/Ghost Receipts.
Pinabawi din nito ang lisensya sa Professional Regulation Commission.
Bukod sa kanya, isa pang CPA ang tinanggalan ng accreditation sa BIR matapos bawian ng lisensya dahil din sa pagkakasangkot sa sindikato.
Una nang binuo ni Lumagui ang National Task Force – Run After Fake Transactions sa layuning matigil na ang matagal nang nakagawian ng mga taxpayer na bumibili ng mga resibo upang makaiwas sa buwis. | ulat ni Rey Ferrer