Bivalent COVID-19 Vaccine Immunization, umarangkada sa Batangas City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ng Department of Health (DOH) Center for Health Development CALABARZON ang Regional kick off ng COVID-19 Bivalent Vaccination sa Batangas City.

Nasa higit 1,000 na mga bakuna ang inilaan ng ahensya para sa 600 na mga doctor, nurse, at 1,600 admin staff sa Batangas Medical Center.

Bahagi ito ng 390,000 doses ng Pfizer Bivalent vaccines na donasyon ng bansang Lithuania.

Unang nakatanggap ng bakuna si Dr. Ramoncito Magnaye, ang medical center chief ng ospital.

Ayon kay Dr. Ariel Valencia, Regional Director ng DOH CHD CALABARZON, nasa higit 52,000 doses ng Bivalent vaccines ang inisyal na alokasyon sa buong Region 4A.

Aniya, nasa higit 45,000 na mga indibidwal ang target na mabakunahan sa probinsya ng Batangas habang nasa 244,000 ang target na mabakunahan sa buong rehiyon.

Giit ni Valencia, nananatiling banta sa kalusugan ang COVID-19 at ang mga variant niyo kaya mahalaga pa rin ang pagbabakuna ng booster shots bilang karagdagang proteksyon mula sa naturang sakit.

Dahil sa limitadong suplay ng Bivalent vaccines, mga health worker at mga senior citizen na nakatanggap ng second booster sa pagitan ng 4-6 na buwan ang binigyang prayoridad na maturukan ng Bivalent vaccines.

Susunod ang Lalawigan ng Quezon sa pagbabakuna ng Bivalent vaccine kontra COVID-19 sa CALABAROZN na may nakalaan na nasa 7,500 doses ng bakuna.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

📸: DOH CHD CALABARZON

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us