Sinimulan na ng Department of Health ang pagdadala ng 300,000 dosage ng Bivalent Vaccine sa mga local government unit.
Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, ngayong araw ay matatanggap na ng ilang LGU at Health Care Facilities ang naturang mga bakuna.
Pero aminado ang bagong Kalihim na kulang ang 300,000 dosage ng naturang brand ng bakuna.
Plano ng DOH na bumili pa ng mas maraming dosage ng Bivalent Vaccine para maabot ang iba pang lugar sa Pilipinas.
Sa ngayon, ang mga health care workers muna ang planong bigyan ng Bivalent Vaccine at ang vulnerable sectors. | ulat ni Michael Rogas