Maaari nang maiturok ng mga lokal na pamahalaan ang natanggap na bivalent vaccines sa kanilang priority sector, partikular sa healthcare workers, mga nakatatanda, at mayroong comorbidity.
Sa press briefing sa Malacañan, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ito ay dahil limitado lamang ang shelf-life ng mga bakuna.
“So, what we will have to do is to prioritize who needs it first. So, number one, the elderly. Number two, iyong may comorbidity. Number three, iyong health care workers, kasi hindi ba inuna rin natin iyong healthcare workers. So nag-wane na siguro iyong immunity nila. We need to protect them also,” —Secretary Herbosa.
Ang nasa 390,000 na bivalent vaccine aniya na natanggap ng Pilipinas ay mapapaso sa ika-23 ng Nobyembre.
Karamihan aniya dito, ipinadala sa Metro Manila habang ang iba naman ay ipinadala sa ibang rehiyon.
Sila naman aniya sa pamahalaan, patuloy na kumikilos upang makakuha pa ng mas maraming supply ng bivalent vaccine ang Pilipinas.
“Meron lang snag and issues kasi nawala iyong public health emergency. So, the issue of the vaccine is in terms of the EUA. So, to procure it, kailangan ma-i-rehistro sa ating FDA. But we are trying hard to get all these bivalent,” —Secretary Herbosa.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang kalihim sa publiko na pairalin pa rin ang pagsusuot ng facemask, bilang proteksyon sa COVID-19.
“But we will continue to push for people to get vaccinated because it will prevent you, especially if you are at high risk of mortality. Kasi ngayon ang usapan na hindi iyong numero ng nagka-COVID,” —Secretary Herbosa. | ulat ni Racquel Bayan