Biyahe ng Cebu Pacific mula Albay pabalik ng Maynila, nakansela — CAAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kanselado ang ilang biyahe ng Cebu Pacific na mula Maynila patungong Daraga sa Albay at pabalik, bunsod ng iba’t ibang dahilan.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, kabilang sa mga biyaheng nakansela ay ang Cebu Pacific flight 5J 326 na mula Daraga pabalik ng Maynila.

Paliwanag ni Apolinio, bunsod ito ng pagkakasira ng generator set ng nasabing eroplano at kinakailangang sumailalim sa pagkukumpuni.

Maliban dito, iniulat din ng CAAP ang planned cancellation ng CebGo flight DG 6193 na biyaheng Maynila patungong Daraga sa Albay.

Gayunman, sinabi ng CAAP na sa kabuuan ay nananatiling normal ang operasyon ng Bicol International Airport sa Legazpi at wala rin silang naitalang flight cancellations.

Ito ay kahit pa may umiiral na Notice to Airmen o NOTAM bunsod ng nakataas ngayon na Alert Level 3 dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us