Kung si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang tatanungin, mainam na pahintulutan pa rin ang bloggers at vloggers na makapag-cover muli sa State of the Nation Address (SONA) ngayong taon.
Aniya, mas madaling intindihin ang paraan ng paglalahad nila ng istorya kung ikukumpara sa traditional media.
“Traditional media create a more formal means of communicating with the public. In contrast, bloggers/ vloggers use a less formal means of communication, which makes it more interesting for, and easier to understand by, the ordinary people. This will make the coverage of the SONA to be more accessible, inclusive, and ‘maka-masa (have mass appeal)’,” ani Salo.
Magkagayonman, dapat aniyang magkaroon ng criteria o panuntunan sa kung paano sila maaaring ma-accredit.
Kasama aniya dito ang relevance ng content, bilang ng followers at kanilang kredibilidad.
“This may include relevance of content, number of followers, and credibility of the blogger/vlogger. This will ensure that what the President delivered will be accurately disseminated to the people,” paliwanag ng mambabatas.
Noong nakaraang SONA ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr, nasa limang vloggers ang pinagbigyan na saksihan ang kaniyang SONA. | ulat ni Kathleen Jean Forbes