BSP Gov. Medalla, nag-farewell call na sa Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalam na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla, na ang termino ay matatapos sa ikalawa ng Hulyo.

Kasama ni Medalla sa farewell call sa Malacañang si BSP Deputy Governor Bernadette Romulo – Puyat.

Sa pulong, pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Medalla, kasabay ng pagkilala nito sa naging papel ni Medalla sa pagpapagaan ng epekto ng inflation sa bansa.

“We have to thank you. Yes. Maraming, maraming salamat,” —Pangulong Marcos.

Kung matatandaan, una nang napili ni Pangulong Marcos si Eli Remolona, na pupuno sa pwesto ni Medalla.

Una nang sinabi ni PCO Secretary Cheloy Velicaria Garafil na malaki ang maia-ambag ni Remolona sa kaniyang bagong papel dahil sa lawak ng karanasan nito at achievement sa central banking, economic policy, international finance, at financial markets.

“Throughout his career, he has also worked as a consultant for esteemed institutions such as the Asian Development Bank (ADB), the International Monetary Fund (IMF), and the World Bank.” —Secretary Garafil.

| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us